Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / LT, opisyal nang iconic beaute ng Beautederm
LT, opisyal nang iconic beaute ng Beautederm

LT, opisyal nang iconic beaute ng Beautederm

ESPESYAL ang naging paglulunsad ng Beautederm Corporation kay Lorna Tolentino bilang dagdag at pinakabagong ambassador nito kamakailan bilang paghahanda na rin sa nalalapit nitong ika-10 anibersaryo. Pagsalubong na rin ito sa perfect ten beauty ng Grand Slam Queen.

Ani President at CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan, isang blessing mapasama sa kanilang Kapamilya si LT.

Blessing naman para kay LT ang maging kapamilya ng Beautederm dagdag pa ang pagkakakilala sa kanya bilang Lily ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Maligaya ako at very interesting ang role. Bilang artista lahat naman ang gusto talaga magkaroon ng isang meaty na role na maibibigay sa iyo. And I’m so happy na naisip ni Coco (Martin) na isama ako sa ‘Ang Probinsyano’ na mayroong isang hindi mo mawaring karakter na hindi mo maintindihan kung saan ba siya pumapanig,” paliwanag ni LT.

Tila nawala/natulala naman sa sarili si Ms. Tan nang tanungin kung bakit kinuha si Lorna para maging ambassador ng kanyang beauty at wellness industry.

“Sa totoo lang matagal na kaming magkakilala, magkakaibigan, nagkikita at matagal na akong gumagamit ng Beautederm bago pa ako maging endorser nito,” biglang sagot ni LT.

“Matagal na po kaming magkaibigan at kaibigan ko rin ang bestfriend ni Ate LT at pareho kami ng abogado,” ani Tan.

Susog naman ni LT, “At niligawan niya ang aking manager na si Manay Lolit (Solis).”

At sa kanyang edad, ibinahagi ni LT ang sikreto ng pananatili ng kanyang kagandahan. “Matyaga ako. Kailangan talaga tyagain mo dahil hindi mo makikita ang diperensiya. Talagang mine-maintain para ‘yung mga fine line mo matatanggal, ‘yung mga skin mon a may ble­mishes, spots, ganyan natatanggal talaga. So matyaga talaga at religiously gagawin mo. Sa Beautederm ‘yung toner at cream ang ginagamit ko lalo’t nagte-taping ako three times a week. May ginagamit pa akong purifie at iba pa. Lahat yata ginagamit ko.

“Kasama rin naman ang kalooban hindi lamang ang panlabas na kagandahan.”

Samantala, kinakatawan ng Beautederm ang prinsipyo ni Tan na nagsisimula ang kagandahan sa wastong pag-aalaga sa sarili para mas maging malusog at magpapamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas ngunit sa panloob din.

At bilang isa sa mga pangunahing lider ng beauty at wellness industry, prioridad ng Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based na sangkap na pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta.

Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautederm ay kinabibilangan ng Beautederm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautederm Home na kinabibilangan ng mga soy candle at room sprays; at ang perfume collection ng Beautederm na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba – na lahat ay top-selling na mga produkto sa merkado ngayon.

Sa kasalukuyan, mayroong humigit na 60 physical stores ang Beautederm sa buong bansa at 1 sa Lucky Plaza, Singapore; at mayroon itong humigit na 100 resellers dito at sa ibayong dagat at mayroong halos 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres,  TV personalities, mang-aawit, beauty queens, politiko, komedyante, at  social media influencers.

Isang certified icon of beauty, itinuturing si Lorna bilang pamantayan ng gold standard of beauty and elegance. Siya rin ang pictorial queen ng 80s, 90s, at 2000s at naging industry leader sa larangan ng beauty and fashion dala ng mga chic at stylish looks na kanyang pinasikat sa loob ng tatlong dekada.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top