Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Eleksiyon payapa — SPD
Eleksiyon payapa — SPD

Eleksiyon payapa — SPD

NAGING mapayapa at walang naitalang mara­has na insidente sa kati­mugang Metro Manila sa loob ng 12-oras na 2019 midterm elections.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, B/Gen. Eliseo Cruz, generally peaceful o tahimik sa pangka­lahatan ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Para­ñaque, Las Piñas, Muntin­lupa, Taguig at bayan ng Pateros.

Aniya, wala rin uma­nong namonitor o naita­lang vote buying at sel­ling  sa kasagsagan ng eleksiyon.

May mga iniulat ngu­nit negatibo ang resulta sa pagsalakay ng mga pulis kabilang ang binantayang isang malaking restaurant sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Malinis din sa mga polyetos at iba pang election materials sa loob at labas ng mga polling precinct kasama rito ang Makati, Muntinlupa at iba pang lugar.

Pinasalamatan ni Cruz ang kanyang mga tau­han sa tahimik at paya­pang resulta ng hala­lan sa kanyang nasa­sakupan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top