Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Anak ni bossing, wagi sa Pasig, 27-taon paghahari ng Eusebios tinapos ni Vico
Anak ni bossing, wagi sa Pasig, 27-taon paghahari ng Eusebios tinapos ni Vico

Anak ni bossing, wagi sa Pasig, 27-taon paghahari ng Eusebios tinapos ni Vico

WINAKASAN ni Vico Sotto ang 27-taon pama­mahala ng angkan ng mga Eusebio sa lungsod ng Pasig nang maihalal na bagong alkalde ng lungsod si Vico Sotto sa katatapos na 2019 midterm elections nitong Lunes, 13 Mayor.

Tinalo ni Sotto ang incumbent mayor na si Robert “Bobby” Eusebio sa botong 206,226 ayon sa City Board of Can­vassers (CBOC).

Iprinoklama ang anak ni Vic Sotto at Coney Reyes Martes nang hapon matapos matanggap ng CBOC ang 100% trans­mission rate ng halalan.

Nanalo rin ang run­ning mate ni Sotto sa pagka-konggresistang si Roman Romulo nang makakuha ng 221,779.

Nauna nang naging konsehal ng unang distrito ng lungsod ng Pasig si Sotto noong 2016, ha­bang nagsilbi sa Kamara de Representantes si Romulo mula 2007 hanggang 2016.

Parehong kasapi ang bagong halal na alkalde at kongresista ng partido Aksyon Demokratiko.

Nagsimulang ma­ngi­­babaw ang angkan ng mga Eusebio sa lungsod ng Pasig noong taong 1992.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top