Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, fake ang pagiging suplada
Nadine, fake ang pagiging suplada

Nadine, fake ang pagiging suplada

NOW it can be told kung bakit napagkakamalang suplada si Nadine Lustre, kinakabahan pala siya sa pakikipag-usap sa mga tao.

Katunayan, hindi naging madali ang pag-akyat ng aktres sa stage para tanggapin ang 67th FAMAS Best Actress trophy dahil bukod sa kabado, hindi siya sanay magsalita sa harap ng maraming tao.

Ani Nadine, hanggang ngayon ay nagkakaroon siya ng panic attack.

Inamin pa ng aktres na kumuha na siya ng professional help ilang taon na ang nakararaan pero parang natakot siya. Aniya, “I’m the type of person po kasi na baka… hindi naman dependent. Na, if in case na bigyan ako ng meds or something, ang feeling ko, hindi ko po kaya na wala na. Before po kasi, nag-home school ako, so wala po akong friends, palagi po ako sa bahay… computer.”

Inamin din nito na mayroon din siyang social anxiety tulad ng kung nakikipag-usap siya sa ibang tao ay kinakabahan siya dahil hindi siya marunong makipag-usap.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top