Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bianca, bagong mukha ng Xcess Salon
Bianca, bagong mukha ng Xcess Salon

Bianca, bagong mukha ng Xcess Salon

FROM Carla Abellana, Ivan  Dorschner, at Barbie Forteza, isa na namang Kapuso star, si Bianca Umali ang image model ng isa sa nangungunang beauty salon, ang X/S Xcess Salon na pag-aari ni Federico Moreno, anak ni Kuya Germs.

Ang X/S Xcess Salon ay may tagline na ‘To be beautiful doesn’t need to be expensive, na siya namang totoo. Ang salon ay may 36 branches na ang anim ay pag-aari ni Federico samantalang ang 30 ay franchise.

Katuwang ni Federico sa pagpapatakbo ng  X/S Xcess Salon sina Matec Villanueva, marketing consultant; Elly Pastor, creative director; at Jhoana del Ponso, bus. dev. manager.

Mula sa Metro Manila, balak ni Federico na mag-branch out sa Visayas at Mindanao.

Naniniwala si Federico na malaki ang maitutulong ng Sahaya star na si Bianca para mas ma-promote  ang salon sa buong Pilipinas.

Ang Vision /Mission ng Xcess Salon ay To become the Filipinos Happiest Salon; To become the Filipinos Favorite Salon; To provide the Cleanest Salon in this market segment; at “We want the Filipinos to be proud to say that  Nagpagawa ako sa Xcess Salon.

At para sa mga gustong mag-fanchise  ng Xcess Salon, tawagan lamang ang mga numerong +6356-705-4373, +632-351-8261. +632-351-8519 at hanapin si Ms. Jhoana o kaya mag-email sa [email protected].

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top