Thursday , July 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marcela Santos, Tita ng Bayan na may Puso
Marcela Santos, Tita ng Bayan na may Puso

Marcela Santos, Tita ng Bayan na may Puso

NAPAKARAMING magagan­dang katangian ang tinaguriang Tita ng Bayan na si Marcela “Tita Cel” Santos.

Napakababa ng loob at handang tumulong kahit walang kapalit, hindi mayabang at hindi puro puro daldal. Maliban sa mga ito malapit ang puso sa mga tao at madaling lapitan.

Tumatakbo si Tita Cel bilang konsehal sa Apalit, Pampanga. Maraming magagandang plataporma sa mga mamamayan ng naturang bayan. Sisikapin niya na mabigyan ng mga magagandang proyekto ang mga taga-Apalit na makatutulong sa kanilang kabuhayan.

May mga makatuturang programa para sa mga senior citizen, sa mga kabataan, LGBT, at siyempre sa mga kababaihan at kalalakihan. Kapakanan ng na­ka­rarami ang iniisip ni Tita Cel na tiyak magbibigay sigla sa pamayanan.

Kaila­ngan ng isang namumuno na may PUSO na katulad ni Tita Cel. Mahalaga ang mabuting tao para mabuti ang magagawa.

Huwag balewalain ang isang tulad ni Marcela Santos na ngayon palang kahit hindi pa nakaupo ay may ginagawa na para sa mga Apaliteños.

(Rodel Fernando)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top