Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sophie, nalungkot sa kontrobersiyang kinakaharap ni Kris
Sophie, nalungkot sa kontrobersiyang kinakaharap ni Kris

Sophie, nalungkot sa kontrobersiyang kinakaharap ni Kris

TITA ni Sophie Albert si Kris Aquino kaya hiningan namin ang Kapuso actress ng reaksiyon sa mga kaganapan sa buhay ng Queen of Social Media.

Wala silang komunikasyon pero aware siya sa mga kontrobersiya at issues sa buhay ni Kris.

There’s so much, there so much. I can’t keep up, basta social media her name pops up.

“Ano parang, well it’s sad because siyempre you don’t want controversy around people or your family, even.

“I mean for her I’m sure she can handle it pero when it’s family involved or you know, people who aren’t showbiz  are involved, it’s nakakulungkot naman.

“I mean minsan ‘di ba nasasangkot ‘yung family, not her per se but like nadaramay ‘yung family, so iyon ‘yung medyo parang ano.

“Kasi she’s strong, she can handle whatever controversy.

“Kaya niya ‘yun, eh.”

Kaya sa palagay ni Sophie, hindi naman niya kailangang bigyan ng advise si Kris.

Sino ba naman ako para magbigay ng advise?

“Siya ang kailangang magbigay ng advise sa akin,” at tumawa si Sophie.

“At saka ayoko ring masabi na nakikisawsaw ako sa kung anuman ang issues niya.”

Basta ipinagdarasal ni Sophie na maging okay na okay ang mga bagay-bagay kay Kris.

Of course. Kahit naman kanino.

“I feel sad kasi ‘di ba she’s going through an illness tapos may controversies, so siyempre anybody, kahit hindi mo relative you’ll wish them well.”

Napapanood si Sophie bilang si Reign sa Bihag ng GMA.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

One comment

  1. Hi, here from bing, me enjoyng this, I come back again.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top