Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / John Lloyd ‘lumutang’ sa Palasyo

John Lloyd ‘lumutang’ sa Palasyo

LUMUTANG ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang pagtitipon sa Malacañang para sa mga artista kamakalawa ng gabi.

Si Cruz ay dumalo sa thanks­giving dinner na inihanda ng longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña para sa mga taga-showbiz na tumulong sa presidential campaign noong 2016.

Kabilang sa mga bisita sa pagtitipon ay sina Alex at Tony Gonzaga,  Paul Soriano,  Bayani Agbayani, Jimmy Bondoc, actors Philip Salvador, and Eddie Gutierrez, Jed Madela, Niño Muhlach, Joseph Marco, Vhong Navarro, Dulce, Dianne Medina, Arnel Ignacio, Ryan Bang, Robin at Mariel Padilla, Richard Gordon, Inez Veneracion, Jojo Alejar, at Aiza Seguerra.

Magugunitang si Cruz ay naging mailap sa publiko at nagbakasyon mula sa showbiz mula nang makarelasyon ang aktres na si Ellen Adarna noong 2017. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top