Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Huwag magpagoyo kay ‘Bikoy’
Huwag magpagoyo kay ‘Bikoy’

Huwag magpagoyo kay ‘Bikoy’

ANG daming panahon bago ang eleksiyon para ilantad ni Bikoy o ni Peter Joemel Advincula ang kanyang umano’y nalalaman sa pagkaka­sangkot ng mga Duterte sa ilegal na droga.

Kaya sa ‘timing’ pa lang, kaduda-duda na ang kanyang paglabas sa panahon ng eleksiyon.

At dahil ‘supot’ ang expose’ — inilabas na ni Bikoy ang kanyang mukha at nagbigay na ng pangalan.

At isang ‘malaking bomba’ talaga ang paglabas ni Bikoy dahil natuklasan na noong Disyembre 2016 ay nakipag-usap na siya sa tanggapan ni Senator Tito Sotto at ang isina­sangkot naman sa ilegal na droga ay si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Wattafak!

Sabi na nga ba!

Noong una pa lang ay duda na tayo sa paglantad ni Bikoy at sa kanyang layunin.

Ngayon nabulatlat tuloy ang kanyang pagkakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) Dahil sa kasong estafa.

Lumalabas tuloy na isa siyang ‘information peddler’ ayon kay PNP chief, P/Gen. Oscar Albayalde.       

Tama lang si dating SAP Bong Go na dapat dalhin sa center for mental health si Bikoy dahil nakapipinsala sa kapwa ang kanyang mga imahinasyon.

Kaya sa mga napaniwala ni Bikoy, matuto pong magproseso ng impormasyon at huwag agad magpapaniwala.

In short, huwag magpatsubibo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top