Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / De Lima pinayagang makaboto
De Lima pinayagang makaboto

De Lima pinayagang makaboto

PINAYAGANG maka­boto si Senadora Leila De Lima ngayong darating na 13 Mayo midterm elections ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) matapos paboran ang kanyang inihaing Urgent Motion for Furlough.

Base sa inilabas na Order ni Muntinlupa RTC, Branch 205 Judge Liezl Aquiatan, pinaya­gan niyang gamitin ni De Lima ang kanyang kara­patan sa pagboto sa ilalim ng escorted detainee voting system ng Commission on Elections (Comelec) sa pagitan ng 12:00 tang­hali hanggang 2:00 pm sa 13 Mayo2019.

Iniutos ni Aquitan na si De Lima ang magbaba­yad sa lahat ng kakai­langaning gastusin sa kanyang paglabas sa piitan.

Mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City hanggang sa kan­yang precinct polling  place sa Precinct No. 0648A, sa Sta. Rita School sa Parañaque City alin­sunod sa escorted detainee voting system.

Bukod dito, ang aku­sadong senadora ay bina­walan ng hukuman na magpainterbyu sa mga mamamahayag bago at pagkatapos niyang bomoto.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top