Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix
Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix

Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix

NAG-IBA ng tono ang Palasyo sa naunang ipi­nangalandakan na “oust Duterte plot matrix.”

Todo-tanggi na si Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ouster plot matrix.

Sa press briefing sa Malacañang, inilinaw ni Panelo na natanggap lamang niya ito galing sa hindi kilalang source.

Aniya, ipinalagay niya na ang natanggap na matrix  at ang  tinutukoy sa inilathalang balita ng Manila Times ay iisa.

Ikinunsulta aniya kay Duterte sa pamamagitan ng pag-uusap nila sa telepono at binigyan umano siya ng go signal ng pangulo na isiwalat ito sa publiko.

Ang ouster plot matrix ay ibinalandra ni Panelo sa media noong 22 Abril na tumutukoy sa umano’y sabwatan ng Rappler, Vera Files, Philip­pine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at National Union of People’s Lawyers (NUPL) para patalsikin sa puwesto si Duterte.

Ngunit hindi masagot ni Panelo kung paano natawag na ouster plot ang Bikoy video.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam iyong word na ouster plot,” sabi ni Panelo.

Hindi matukoy ni Panelo kung ano ang papel ni ‘Bikoy’ sa plan­ong pagpapatalsik kay Duterte.

Noong nakalipas na linggo ay naghain ng peti­syon ang NUPL sa Korte Suprema para maglabas ng writ of amparo, writ of habeas data at temporary protection order.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top