Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Arafura Games… Lampacan silver sa muay
Arafura Games… Lampacan silver sa muay

Arafura Games… Lampacan silver sa muay

DARWIN, Australia – Nagkasya lang sa silver medal nitong Miyerkoles sa muay competition si Ariel Lampacan sa 2019 Arafura Games na gina­nap sa Darwin Convention Centre.

Yumuko ang 21-year-old na si Lampacan kay Sakchai Chamchit, 30-27, sa final ng senior male Elite A 54-kilogram division para magkasya sa silver sa kompetisyon na ang mga kalahok ay makaka­tang­gap ng puntos para mag-qualify sa 2021 World Games.

Dismayado man si Lampacan na makuha ang ginto, nangangako siya na babalik para sa susunod na kompetisyon.

“Bawi tayo next time sa June sa World Cham­pionship (Bangkok). Pag­bubutihin ko pa ‘yung training at hahasain ko pa ‘yung galaw ko,” sabi ni  Lampacan.

Si Lampacan ay isa sa apat na national muay athletes sa Arafura Games sa kampanya ng Pilipinas  na suportado ng Philippine Sports Com­mission at Standard Insurance.

Sa kasalukuyan ay taglay ng Team Philippines ang 30 golds, 48 silvers at 28 bronzes, na namumuro pa sa medalya ang nalalabing atleta sa huling dalawang araw ng kompe­tisyon.

Umiskor ng 35 puntos si Leomer Losentes sa Team Philippines para sa ikala­wang sunod na panalo sa kompetisyon sa men’s basket­ball.

In men’s basketball, Leomer Losentes had 35 points as the Philippines won its second straight contest Wednesday with a victory over New Caledonia, 86-75, at the Darwin Basket­ball Stadium. The Filipino cagers played Johor, Malay­sia as of press time.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top