Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chairwoman ng inding-indie film, nainsulto
Chairwoman ng inding-indie film, nainsulto

Chairwoman ng inding-indie film, nainsulto

NAAPEKTUHAN si Josephine Navarro, Chairwoman ng Inding-Indie Film Festival sa hindi pagkakuha ng korona bilang Mrs Caibiga 2019  na ginanap sa Caloocan City.

Bagkus, itinanghal siyang first runner-up.

Kampante si Navarro na makukuha ang titulong Mrs Caibiga 2019 dahil siya ang nakakuha ng mga special awards tulad ng Mrs Most Beautiful, Mrs Body Beautiful, Mrs May-Asim Pa, at Mrs Best In Gown. Tanging Mrs World Balance lamang ang nakuha ng nakoronahan ng Mrs Caibiga 2019.

Sa totoo lang, may nag-advise na sa kanya na huwag nang sumali dahil nanalo na siya noon sa Avon maliban sa Zumba Queen, Body Beautiful  at iba pa.

“Feeling insulted talaga ako kasi expected ko na magiging akin ang  dahil talo ko raw sila sa talent portion, rampahan, gown,” sambit ni Navarro.

Wala namang planong gumawa ng legal action si Navarro para isauli ang award bagkus gusto lang niyang ipaalam sa barangay na may maling naganap sa pilian ng Mrs Caibiga 2019.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top