Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ginang nabinat sa panganganak pinagaling ng Krystall Herbal Oil
Ginang nabinat sa panganganak pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Ginang nabinat sa panganganak pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sister Fely,

Ako po si Leonora Montivirgel, 55 years old, taga Dasmariñas Cavite. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa Krystall Herbal Oil.

Matagal na po itong aking karanasan sa paggamit ng Krystall Herbal Oil. Ngayon lang po ako nagkakaroon ng oras para magpatotoo sa aking magandang karanasan.

Noong 1996 pa po, noong nanganak ako sa aking panganay. Noong hindi pa ako buntis naririnig ko na po ang produktong Krystall sa radyo. Bago po ako manganak, nagpabili po ako ng Krystall Herbal Oil na 60 ml. Kasi hindi po natin alam kung anong mangyari.

Pagkatapos kong manganak, nabinat po ako. Sobrang sakit po talaga ng ulo ko. Naalala ko po agad  ang Krystall Herbal Oil  at pinahaplosan ko sa aking asawa ang aking ulo at ang buong katawan. Haplos po siya nang haplos hanggang makatulog ako.

Kinabukasan nang magising po ako nawala na ang pananakit ng ulo ko. Simula noon, palagi na po akong may nakahandang Krystall Herbal Oil at dala-dala ko kahit saan man ako magpunta.

At ‘yung bunso kung anak noong nagsisimba kami sa Amvel, sumakit po ang tiyan niya at nangingitim na ang labi niya sa sobrang sakit. Hindi po ako nataranta  kasi alam kong mayroon akong Krystall Herbal Oil sa bag.

Ang ginawa ko po hinaplusan ko lang ng Krystall Herbal Oil ang tiyan niya. Siguro wala pang 30 minutos nawala na po ang pananakit ng tiyan niya.

Maramig salamat po sa kagalingang dulot ng Krystall Herbal Oil sa akin at sa aking buong pamilya.

Lubos na nagpapasalamat,
LEONORA MONTIVIRGEL
Dasmariñas, Cavite

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top