Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sa buy bust ops… Mister, huli sa bala’t shabu
Sa buy bust ops… Mister, huli sa bala’t shabu

Sa buy bust ops… Mister, huli sa bala’t shabu

SWAK sa kulungan ang isang mister na sangkot sa ilegal na droga at sa ilegal na pagbebenta ng mga bala ng baril matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation laban sa firearms ammunition sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) P/Lt. Melito Pabon ang naarestong suspek na si Richard Flores, 40 anyos, residente sa Block 28 Lot 2 Tulingan St., Dagat-Dagatan  ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Mark Jhovie Sales, dakong 8:00 pm nang maaresto ang suspek sa harap ng bahay sa isinagawang buy bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni Pabon at ng Caloocan police sa pamumuno ni P/Col. Restituto Arcangel.

Bago ang pagkakaaresto sa suspek, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng NPD-DSOU hinggil sa ilegal na pagbebenta ng mga bala ng baril ni Flores kaya isinailalim ng pulisya sa surveillance operation.

Kaya nang maging positibo ang impormasyon agad ikinasa ang buy bust operation of firearms ammunition laban sa kanya.

Matapos iabot ng suspek sa isang police na umaktong poseur-buyer ang 11 pirasong bala ng cal. 38 revolver kapalit ng P200 marked money agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Narekober din sa suspek nang kapkapan ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at buy bust money. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top