Categories: Opinion

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

Share

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1 lindol ang kanilang kisame at puminsala rin sa Pampanga nitong Lunes, 22 Abril.

Sinabi na natin, hindi natin minamaliit ang magnitude 6.1 lindol. Hindi biro ‘yan. Pero mas lalong hindi biro ang mahigit sa P1-B pondo na ginastos para i-rehabilitate at i-renovate para patibayin at pagandahin ang paliparan na pinapangarap noong paglipatan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mukhang blessing in disguise ang nangyaring ‘yan sa Clark, dahil hindi lang pala ‘yang mahinang estruktura ang mabubuyangyang kundi sasambulat din pala ang talamak na ‘human trafficking’ sa nasabing airport.

Gaano katotoo ang impormasyon na riyan sa CIA dinadala ang mga bulto-bultong Pinoy na umaalis sa bansa na kulang ang mga dokumento?!

Hindi lang ‘yan, isa umano ang CIA sa mga paboritong ‘lapagan’ ngayon ng mga Bombay at maging ng mga Chinese national na naririyan ang kontak sa Central Luzon areas.

Gusto tuloy nating tanungin kung ‘inutil’ ba si Roni Santos, ang sinasabing hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) diyan sa Clark?

Ano kaya ang masasabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa ‘pagsambulat’ ng  human trafficking sa Clark?!

Hindi kaya sumakit ang ulo ni Commissioner Morente sa sandamakmak na ‘bukol’ na inabot niya kay Roni Santos?!     

Aruyku!

Paki-explain na nga, Mr. Santos.

MAG-UUTOL
NA HULI SA DROGA
ITINURONG KAANAK
NG 2 KANDIDATO
SA TAGUIG CITY

TATLONG magkakapatid na natimbog sa Taguig dahil umano sa pagbebenta ng droga sa mismong tahanan ang itinuturong kamag-anak umano ng tumatakbong mayor at congressman sa lungsod.

Kasama raw ng tatlo ang iba pang suspek, na nahuli sa isang buy bust operation at nakuhaan ng drogang nagkakahalaga ng P20K ng Taguig police.

Ang liit naman?!

Ganoon lang ba kaliit ang nakuhang droga sa tatlong magkakapatid na may kasama pang tatlong suspek?

Sabi sa police report, sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41; at Epitacio Mendiola Jr., 48; pawang residente sa Gen. Natividad St., Palingon-Tipas, Taguig City, ay nahuli ng mga pulis at ng Philippine Drug Enforcement Unit matapos silang magbenta ng shabu sa isang asset noong 15 Abril.

Ang ibang nahuli noong operasyon ay kinilalang sina Arjuna Cruz, 39; Andrew Victor Arcega. 37; and Mark Lester Magbalana.

Pambihira rin itong mga nasakoteng suspek, ang tatanda na ninyo, wala ba kayong balak magbagong-buhay?! Sinampahan na raw ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

‘Yung magkakapatid na Mendiola, ang suspetsa ng mga nakahuli ay kamag-anak ng tumatakbong alkalde sa Taguig na si Arnel Mendiola Cerafica at si Allan Mendiola Cerafica na tumatakbo namang congressman sa Dist. 1 ng Taguig na nagmula rin sa parehong barangay ng mga suspek.

Mendiola brothers, kamag-anak nga ba kayo ng mga kandidatong ‘yan?!

Aba magpaliwanag kayo!

E ‘di ba parang ganyan din noong nakaraang eleksiyon?!

May ilang mga suspek na iniuugnay naman sa Tinga clan. Binansagan pang Tinga drug syndicate na nasentensyahan umano ng reclusion perpetua dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong Setyembre 2016 at Pebrero 2017.

Tsk tsk tsk…

Sa tindi ng drug war ng Duterte adminis­tration, hindi ba umabot diyan sa Taguig?!

Naku, ayaw ni Tatay Digong nang ganyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Isko nanawagan sa NCCA: Obra ni Botong ibalik sa Maynila

SUPORTADO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang naging pahayag ni Buhay Party-list Rep. at dating mayor Lito Atienza… Read More

23 hours ago

Executive judge nanakawan sa fitness gym

UMABOT sa halos daan-libong cash, alahas, kabi­lang ang credit card, at mahahalgang dokumento ang nakuha mula sa isang hukom ng… Read More

23 hours ago

UK tutulong sa urban planning ng Maynila

DUMALAW si Ambas­sador Daniel Pruce kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang magbigay galang at iparating ang tulong na nais… Read More

23 hours ago

‘Mura na, marumi pa’… Slaughterhouse sa Tondo nanlilimahid

PERSONAL na nagsa­gawa ng ocular inspection si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso sa slaughterhouse sa Vitas, Tondo para sa… Read More

23 hours ago

Isko nag-ikot sa Maynila sa banta ni Falcon

NAG-IKOT nitong Martes ng gabi sa ilang parte ng Maynila si Mayor Isko Moreno dahil sa banta ng bagyong Falcon.… Read More

23 hours ago

Civil engineer, 4 pa arestado sa bala at shabu

LIMANG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang civil engineer sa isinagawang buy-bust operation kontra sa ilegal na… Read More

23 hours ago