Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Rebelde hayaang mabaon sa lindol — Duterte
Rebelde hayaang mabaon sa lindol — Duterte

Rebelde hayaang mabaon sa lindol — Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang militar na hayaang maba­on nang buhay ang mga rebeldeng komunista kasu­nod ng 6.5 mag­nitude lindol na yumanig sa Eastern Samar kama­kalawa.

Sa situation briefing sa San Fernando, Pamp­anga kamakalawa, sinabi  ng pangulo na nakatang­gap siya ng ulat na aabot sa sampu hanggang dalawampung miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa.

Hindi aniya pag-aaksa­yahan ng pama­halaan ang pagliligtas sa mga rebelde.

“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Gagastos lang ako sa mga putang ina. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you,” anang Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top