Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John, ‘di makapaniwalang magiging leading lady si Sharon
John, ‘di makapaniwalang magiging leading lady si Sharon

John, ‘di makapaniwalang magiging leading lady si Sharon

PANAY ang halakhakan nina Sharon Cuneta, John Arcilla, at Direk Eric Matti sa mediacon ng Kuwaresma, ang bagong handog ng Reality Entertainment at Globe Studios. Bagamat sinasabing scariest horror movie ng taon ang pelikula, tuwang-tuwa naman ang tatlo sa pagkukuwento ng experience nila habang nagsu-shoot.

At ang pinakamasaya siyempre ay si John na aminadong hindi niya akalaing magiging leading lady niya si Sharon.

Anang magaling na actor, “Never kong na-imagine na magiging leading lady ko si Sharon.”

At bakit naman hindi eh, personal pala talaga siyang pinili ni Direk Erik.  “Kahit saan mo siya itapong role, very reliable siya. Wala kaming maisip na iba na kakayanin ang role kundi si John dahil bida-kontrabida ang role. Wala na kasi tayogn Vic Silayan, Dindo Fernando. Si John, kayang-kaya niya ang bida-kontrabida character.”

Sinabi naman naman ni Sharon na kilalang-kilala ng kanyang mga anak si John dahil sa pelikula nilang Heneral Luna. “My kids know him,” sambit ni Sharon.

Aminado si John na lahat ng pelikula ni Sharon ay napanood niya. “Sa totoo lang ang tingin ko kay Sharon, siya ‘yung wife material, ganoon ang tingin ko sa kanya.

“Kaya naman masayang-masaya ako na ako ang nakasama niya sa pelikulang ito.”

Sa kabilang banda, excited din ang head ng Globe Studios, si Quark Henares na maging parte ng Kuwaresma, “I’m very excited to be part of Kuwaresma as this is our firsdt venture into horro and I’m a major horror fan. I’m also a big Erik Matti fan, and ‘am looking forward to this first of many productions we’ll be doing with him and Reality Entertainment.”

Sa May 15 na mapapanood ang Kuwaresma.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top