Categories: News

Senior Citizens segurado kay Lim

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

TINIYAK kahapon ng nag­babalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na kanyang dadagdagan lahat ng benepisyo na tinatang­gap ng senior citizens sa lung­sod at bibigyan din ng trabaho o pagkakakitaan, sa oras na siya ay muling mau­po bilang mayor ng lungsod.

Sa isang pulong, kasa­ma ang senior citizens mula sa District 6, tiniyak ni Lim, pati ng kanyang kandidato para Konsehal na si Raffy Jimenez, na kanyang pa­lalakasin ang Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) upang higit na makatulong upang mabigyan ng sapat na ayuda at pag-aalaga ang senior citizens sa Maynila.

Kasama sa prayoridad ni Lim ang pagkuha sa listahan ng senior citizens ng lungsod upang agad silang mabigyan ng mataas na benepisyo na makatu­tugon sa mga mahal ng bili­hin sa kasalukuyan.

“Ang kasalukuyang mga benepisyo ay hindi na sapat upang bumili sila ng mga pangunahing panga­ngai­langan kaya’t dapat natin itong dagdagan,” ani Lim.

Ipinarating din ng senior citizens kay Lim na hindi na sila nakatatanggap ng mga benepisyo gaya nang dati na nakukuha nila tuwing kaarawan at hindi na rin umano sila nabibigyan ng prayoridad sa mga ospital na ipinatayo ni Lim na lahat ay libre noong panahon ni Lim bilang alkalde.

Ang mga problemang ito ay kasama umano sa pra­yoridad ni Lim at aniya, napakaliit ng mga benepisyo kompara sa mga naiambag ng senior citizens para sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng mga nagtatra­bahong sektor noong kanilang kaba­t­aan.

“Nakinabang ang lungsod ng Maynila sa ating senior citizens noong pana­hong sila ay malakas at bata pa kaya naman nga­yong sila ay nasa dapit-hapon ng kanilang buhay, marapat lang na gantim­pa­laan naman natin sila maski sa maliit lang na paraan gaya ng financial as­sis­tance,” ani Lim.

Sinabi rin ni Lim na bukod sa pagbabalik ng lahat ng libreng serbisyo medikal sa mga ospital ng lungsod na kanyang itinatag sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin din niya na ang 12 lying-in clinics na kanyang ipinatayo ay magiging aktibo sa pagtulong sa mga buntis upang muli silang maka­panganak nang libre.

Matatandaan na noong administrasyon ni Lim, tiniyak niyang ang anim na distrito ng Maynila ay may tig-isang ospital na nagbibi­gay ng libreng serbisyong pangkalusugan mula konsul­tasyon, doktor, pagkaka-ospital, operasyon, panga­nganak at maging mga gamot na kailangang inumin pag-uwi ng bahay.

Sa mga naturang ospital ay binibigyang-prayodidad din ang senior citizens kasama ang iba pa gaya ng persons with disabilities (PWDs).

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Go Manila App: Online payment ng Manila City hall, mas pinalawak

UPANG matiyak ang kaligtasan ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya ay mas pinaigi ng pamanahalaang lunshod ng Maynila ang kanilang… Read More

3 hours ago

PSC pokus sa pagbabalik-training ng Olympic qualifiers

BINIGYANG-DIIN  ng Philippine Sports Com­mission (PSC)  ang kahala­gahan ng pagbabalik-training ng mga Olympic qualifiers sa pagsalang ng PSC-GAB-DOH Stake­holders’ sa… Read More

3 hours ago

Sharon, sobra ang tapang

NAGTATAKA ang mga Sharonian sa mensaheng binibitiwan ng kanilang idolong si Sharon Cuneta. Napakatapang masyado ng mga pahayag nito. Tanong nila, saan ba… Read More

3 hours ago

Pacman, likas ang pagiging matulungin

LIHIM ang pagiging matulungin ni Sen. Manny Pacquiao. Hindi siya tulad ng iba na may cameraman pa at mga press people… Read More

3 hours ago

‘Wag siraan si Piolo

WALANG ambisyong tumakbo sa politika si Piolo Pascual kaya nagtataka siyang napaugnay ang pangalan sa grupo ni President Rodrigo Duterte. Nagkataon kasing may… Read More

3 hours ago

Jinkee tigilan, sariling pera ang ginagastos

UNFAIR kay Jinkee Pacquiao ang mga patutsadang sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon ang halaga ng suot na tsinelas sa bahay… Read More

3 hours ago