Monday , May 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Quinn Carrillo, artista na ang dating
Quinn Carrillo, artista na ang dating

Quinn Carrillo, artista na ang dating

SA totoo lang, ang tingin namin kay Quinn Carrillo ng Belladonas noong isang gabi, hindi na talaga singer kundi isang artista. Ewan kung ano nga ba ang pagbabago, ang sinasabi ng ermat niya at manager na si Len Carillo, siguro ay dahil nakapagbawas siya ng timbang.

Pero ang palagay namin, iyong ayos ng kanyang buhok at make-up ang medyo naiba. Bumagay iyon sa kanya, nagmukha siyang isang artista.

May projects na rin para kay Quinn. May naghihintay sa kanyang isang commercial endorsement na malapit nang gawin. Pangarap din niyang makasali at maipakita ang kanyang nalalaman sa isang talent search. Palagay naman namin kaya iyan ni Quinn.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top