Categories: News

Matibay, ligtas na pabahay seguruhin — PBB Party-list

Share

IPINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksiyon ng mga govern­ment housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa.

Sinabi ni PBB Party-list 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno ga­yon­din ang iba’t ibang estruktura kasunod ng 6.1 lindol na naging dahilan ng pagguho ng isang 4-storey supermarket sa Porac, Pampanga.

Tatlo ang kompirmadong nasawi sa gumuhong super­­market habang dala­wa katao rin ang namatay sa Lubao matapos mabag­sakan ng gumuhong pader kamakalawa ng hapon.

“Mahalagang matiyak na matibay ang itinatayong housing units gayondin ang high-rise condominium upang masigurong ligtas ang mga nakatira rito,” paliwanag ni Atty. Cruz ng PBB.

Isusulong ng PBB sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino kasunod ng ulat na mahigit 6 milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.

“Dapat matiyak din ng gobyerno na matibay at ligtas na tirahan ang itata­yong housing units kapag naulit ang katulad na pag­yanig,” giit ng PBB.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Kotse bumangga sa poste… 5 sugatan, driver inaresto sa baril

ISINUGOD sa Sta. Cruz Hospital ang limang pasa­hero ng kotseng bumangga sa isang poste sa National Highway, Barangay Lewin, sa… Read More

3 hours ago

Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard ang 50 pasa­herong sakay ng isang chartered vessel na nama­tayan ng makina at tumaob ilang… Read More

3 hours ago

Sakit ng katawan nang mahulog sa jeepney tanggal sa Krystall

Dear Sister Fely, Ako po si Herminia Bulaong, 60 years old, taga- Dasmariñas, Cavite. Ang paipatotoo ko po ay tungkol… Read More

3 hours ago

Tutok sa 2022 presidential elections

KUNG tutuusin, nagsisimula pa lamang ang tunay na eleksiyon. Hindi pa man lubos na natatapos ang midterm elections, unti-unti nang… Read More

3 hours ago

Duterte wala sa ospital — Panelo

“I DARE tell you guys to check all the rooms in cardinal.” Ito ang text message ni Honeylet Avanceña, long… Read More

3 hours ago

Isang kandidatong Speaker sa admin sapat na — Lagman

NAGBABALA si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga papasok na mi­yem­bro ng 18th Congress na magkaroon ng isang kandidato ang… Read More

3 hours ago