Categories: News

Inspeksiyon sa gov’t buildings, infras iniutos ng MMDRRMC

Share

INATASAN kahapon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na magsa­ga­wa ng inspection sa mga gusali at infrastruc­tures na pag-aari ng gob­yer­no dahil sa nangyaring pagyanig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake na tumama sa Luzon kabi­lang ang Metro Manila nitong Lunes nang hapon.

Sa  isang memo­ran­dum na ipinalabas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head ng  MMDRRMC, ina­ta­san niya ang mga miyem­bro ng naturang tanggapan  at local disas­ter risk reduction and management councils, na magsagawa ng inspection sa lahat ng government structures sa buong  Metro Manila.

“You are hereby direc­ted to conduct inspec­tion of all govern­ment buil­dings and infras­tructures in your respective areas of res­ponsibility,” nakasaad sa memorandum ni Lim.

Kaagad din ipinasu­sumite ni Lim ang inspec­tion reports  sa  MMDRRMC Secretariat.

Inatasan ng MMDA Chief, na magsagawa ng post-earthquake building inspection sa  MMDA headquarters building sa Makati City para ma-check  kung mayroon itong damage matapos ang lindol.

Nagtalaga rin si Lim ng 10 personnel mula sa  Public Safety Division para tumulong sa  search at  rescue operations sa Porac, Pampanga,  isa sa mga lugar na  labis na naapektohan ng lindol.

(JAJA GARCIA)

Jaja Garcia

Published by
Jaja Garcia

Recent Posts

CHIKA MO, VLOG KABOG Mapapanood na simula ngayong May 30 sa FB live at soon sa YouTube

Simula ngayong May 30, Saturday at 7:00 to 8:00 pm ay isang bagong-bagong online show na “Chika Mo, Vlog Kabog”… Read More

11 hours ago

Joshua Garcia, maraming natutuhan kay Daniel Padilla

SA ACTOR’S CUE sa Extend The Love page hosted by Direk Adolf Alix, Jr., ay maraming kuwento si Joshua Garcia… Read More

11 hours ago

Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla

AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig… Read More

11 hours ago

Starstruck First Princess na si Lexi Gonzales, wish magkaroon ng teleserye

KINUMUSTA namin thru FB ang Starstruck Search First-Runner Up na si Lexi Gonzales, kung paano siya nagko-cope-up sa almost three months na pagka-quarantine… Read More

11 hours ago

Filipina na Hong Kong resident suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, I am Cielo Satira, a Filipina, working and residing here in Hong Kong. I believe… Read More

11 hours ago

P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)

BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan.  … Read More

11 hours ago