Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / DFA nagsara sa Metro at rehiyon
DFA nagsara sa Metro at rehiyon

DFA nagsara sa Metro at rehiyon

DAHIL sa nangyaring pag­ya­nig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake sa Luzon at para maiwasan ang sakuna, isinara ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) ang ilan ni­lang Consular offices sa Metro Manila at sa ilang rehi­yon kahapon.

Kabilangsa isinara ang Aseana, Alabang Town Center, SM Manila, Robin­sons Galleria, SM Megamall, Ali Mall at Robinsons Nova­liches sa Metro Manila.

Habang sa Consular Regional Offices, isinara rin ang SM San Fernando at Marquez Mall sa Pampanga.

Ayon sa naturang ahen­siya, muling bubuk­san ang kanilang Consular offices sa nabanggit na mga lugar ngayong araw, Miyerkoles (24 Abril).

Ang lahat ng may confirm appoint­ments nitong Martes ay maaring magtungo simula ngayong araw hang­gang 19 Mayo, hindi kabi­lang ang araw ng Sabado at Ling­go. Ginawa ito ng DFA bun­sod nang na­ga­­nap na lindol nitong Lunes.

 (J. GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top