Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 6.5 lindol yumanig sa Visayas
6.5 lindol yumanig sa Visayas

6.5 lindol yumanig sa Visayas

HINDI pa man nakababa­ngon sa pinsalang dulot ng magnitude 6.1 lindol ang Luzon, sumunod na niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Visayas na naitalang nasa San Julian, Eastern Samar ang epicenter at may tectonic origin kahapon, 23 Abril.

Naramdaman ang Intensity 5 lindol sa Tacloban City, Catbalogan City, at Samar; samantala Intensity 4 ang naramdaman sa Masbate City, Legazpi City at Sorsogon City.

Dinanas ng lalawigan ng Cebu ang lindol na may lakas na Intensity 3.

Naiulat ang ilang sunod-sunod na aftershocks na may lakas na magnitude 3.3 dakong 1:49 pm sa San Julian; magnitude 2.1 sa Western Samar dakong 2:15 pm; at magnitude 4.6 sa Borongan, Eastern Samar at Catbalogan, Samar dakong 2:41 pm.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top