Friday , August 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, muling umakyat ng bundok
Angel, muling umakyat ng bundok

Angel, muling umakyat ng bundok

KAHIT may problema sa spine niya si Angel Locsin, hindi siya mapipigilang hindi umakyat ng bundok. Ito ang trip parati ng aktres kapag may mahaba siyang bakasyon.

Pagkalipas ng 10 taon ay muling binalikan ni Angel ang Paminahawa Ridge, Impasug-ong, Bukidnon kasama ang boyfriend na si Neil Arce para gunitain ang pinag-shootingan nila ng pelikulang Love Me Again (Land Down Under) kasama si Piolo Pascual.

Lumala ang problema ng aktres sa spine nang nahulog siya sa kabayo sa shooting ng Love Me Again (Land Down Under) na kinunan ni Direk Rory Quintos.

Ang caption ng The General’s Daughter sa litratong ipinost niya na nakasakay sila sa kabayo kasama ang mga kaibigan, “More than a decade ago, sinabi ko sa sarili ko na babalik ako dito. Babalikan ko kayo. Salamat boys. Reunion with Bukidnon’s finest cowboys!Hi daw Peej!  @piolo_pascual & ate @moibienne. Where the Wild Things Are. Finally back to this lovely place after more than a decade  #LoveMeAgain #Bukidnon #RanchLife  #Cowboys #Horses.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top