Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yam Concepcion at Yen Santos, nagmarka sa seryeng Halik
Yam Concepcion at Yen Santos, nagmarka sa seryeng Halik

Yam Concepcion at Yen Santos, nagmarka sa seryeng Halik

MALAKI ang dapat ipagpasalamat nina Yam Concepcion at Yen Santos sa seryeng Halik. Ang dalawang bidang aktres dito ay sobrang nagmarka sa viewers ng naturang TV series ng ABS CBN na tinatampukan din nina Jericho Rosales at Sam Milby.

Si Yam, bukod sa pinuputakti ng bashers dahil sa role niya sa serye bilang kabit, mas kilala na ngayon bilang Jade. Ano ang reaksiyon niya na ang tawag na sa mga kabit ngayon ay Jade?

“Okay na rin, maganda iyon. I think it’s a compliment na ginawang… kasi character lang naman iyon, hindi naman ako iyon,” natatawang tugon ni Yam.

“So I guess, yes, it’s very ano, ang sarap ng feeling, parang nakakatuwa, parang Jade… kumbaga it’s a part of a dictionary, a different dictionary,” bulalas pa niya.

Si Yen naman na gumaganap dito bilang Jacky ay nabanggit na dahil sa seryeng ito, naramdaman niyang isa na siyang ganap na aktres. ”Kaya nga ako, sobrang thankful ako kay direk Ruel na napunta sa akin ito, kasi ito ‘yung talagang matata­wag ko na, ‘Uy, aktres na ako.’ Kasi ‘yung mga iba ko naman pong nagawa, parang hindi pa siya ganoon ka-mature e. Ito ‘yung pinaka-challenging at pinaka-mature na nagawa kong role.

“Sabi ko nga noong time na lalabas ako ng bahay, dati pangarap ko lang na sana magkaroon ako ng character na every time na lalabas ako, ‘yung character name ko ‘yung itatawag sa akin. Nangyari po ‘yun sa Halik, ‘pag lumalabas ako ng bahay, ako na po si Jacky. Kaya sobrang sarap po sa feeling na mapasama ka sa ganitong ka-successful na show,” masa­yang sambit ni Yen.

Sa pagtatapos ng Halik ay mas matindi at mas palaban na tapatan nina Lino (Jericho), Jade, Jacky, at Ace (Sam) sa pagdaraanan nilang pinakamatitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam. Patuloy na panggigigilan ng mga manonood ang mga kaganapan tuwing gabi dahil sa kasamaan nina Ace at Jade, na parehong gagawin ang lahat para makatakas mula sa batas at mailayo si baby CJ mula kay Lino. Ang pagmamahal naman sa anak ang gagamiting sandata ni Lino para mabawi si baby CJ at makakatulong niya rito si Jacky, na patuloy ding ibibigay ang suporta niya hanggang sa huli.

Ngunit buhay ang maaaring maging kapalit ng kanilang tapatan dahil parehong malalagay sa bingit ng kamatayan sina Jade at Jacky, na dahilan para magbago ang daang tatahakin ni Lino para makuha ang hustisyang inaasam. Sa kabila ng mga buhay na posibleng mawala, ipagpapatuloy pa rin ni Ace ang kasakiman at sisiguraduhing makaganti kay Lino gamit sina Jade, Jacky, at anak nitong si CJ.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top