Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Mayor Erap, no. 1 sa latest survey (46% highest rating sa lahat ng surveys)
Mayor Erap, no. 1 sa latest survey (46% highest rating sa lahat ng surveys)

Mayor Erap, no. 1 sa latest survey (46% highest rating sa lahat ng surveys)

NANGUNGUNA pa rin si incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, sa pinakabagong poll survey na may malaking kalamangan laban sa kanyang dala­wang kalaban sa pagka-alkalde ng lungsod.

Ang mga ginawang pagbabago ni Estrada at pagbabayad ng bilyong utang ang dahilan upang manatili ang tiwala ng Manilenyo at nagbigay sa alkalde ng 46.3 percent votes kompara sa naku­hang boto ni dating Manila Vice Mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Domagoso na mayroon lamang 31.0 percent habang 9.6 percent si dating Manila Mayor Alfredo Lim at 13.1 ang undecided.

Isinagawa ng Media Trend Setter (MTS) ang non-commissioned survey sa 1,800 respon­dents nitong

12-15 Abril 2019, isang buwan bago ang 13 Mayo 2019 midterm elections .

Ayon kay Rolando Luna, Executive Director ng MTS, si Estrada na nagmana ng P5-bilyong utang noong 2013 ay nangunguna sa limang distrito sa Maynila na mayroong 56.8 percent sa District III at 48.2 percent sa District IV.

Plano ng dating Pa­ngu­lo ng bansa na ngayon ay alkalde ng Maynila na ipagpatuloy ang kanyang infrastruc­ture projects tungo sa pagbabago at

pag- unlad ng lungsod upang maging nangu­ngunang financial, busi­ness at tourism hub sa kanyang huling termino.

Dahil sa positibong resulta ng survey, naniniwala si Estrada na tuloy-tuloy ang kanyang programa na maka­tu­tulong na maiahon ang pamumuhay ng mga Manilenyo kabilang ang senior citizens at mga estudyante.

Maging ang running mate ni Estrada na si dating representative Ama­do Bagatsing ay nangunguna rin sa poll survey na nakakuha ng 47 percent, laban sa katung­gali na si Vice Mayor Honey Lacuna na may­roong 33 percent habang si dating police officer Elmer Jamias ay nakakuha ng 8% habang 12% ang undecided.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top