Saturday , April 20 2024

Jessa Laurel, flattered na kamukha ang kapamilya actress na si Isabel Daza

Galing mismo sa bibig ng kilalang showbiz photographer na si Wilson Fernandez, kamukha umano ng alaga naming singer-model na si Jessa Laurel si Isabel Daza.

Malaki raw ang resemblance nina Jessa at Isabel at napansin ito ni Wilson habang kinukunan ng iba-ibang shots ang aming talent sa photo shoot nito sa Wildlife sa Quezon City.

Nang sabihin namin ito kay Jessa ay flattered ang dalaga ni Mommy Juvy. Siyempre nga naman masarap sa pakiramdam na maikompara ka sa daughter ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz na isang mahusay na Kapamilya aktres.

Samantala sa latest interview namin kay Jessa, malaki ang pasasalamat niya at madalas siyang magkaroon ng exposure sa mga tabloid at excited na siya sa gagawing project ngayong June na nakatakda siyang mag-guest sa Birthday concert ng DZMM Anchor and talent manager na si Jobert Sucaldito.

At ang maganda sa baguhang singer, wala siyang expectation para sa kanyang career basta kung ano raw ‘yung dumating na opportunity lalo na kung maganda ay iga-grab niya lahat ito.

Saka malaki ang faith ni Jessa kay God, alam niya na with her talent at suporta ng kanyang Mommy Juvy at Daddy at ng inyong columnist ay may kapupuntahan ang kanyang career in the future.

Why not?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *