Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chet Cuneta, sinuportahan ni Robin Padilla
Chet Cuneta, sinuportahan ni Robin Padilla

Chet Cuneta, sinuportahan ni Robin Padilla

DINUMOG ng mga taga- Pasay ang proclamation rally ng tumatakbong mayor ng Pasay, ang Kuya ni Sharon Cuneta, si Chet Cuneta. Kasabay nito ang paghahayag ng suporta ni Robin Padilla kay Chet. Ibinigay ni Robin ang suporta kay Chet dahil malaki ang paniwala niyang malaki ang magagawa nito para sa mga taga-Pasay.

Ang pagdalo ng sangkatutak na tao sa proclamation rally ay patunay na gusto talaga ng mga Pasayeno ng pagbabago. Hindi iyon dahil sa dumalo ang kapatid niyang si Sharon.

Sa pagdagsa ng tao, nagpasalamat si Chet sa mainit na pagtanggap ng kaniyang mga kababayan. Pinasalamatan din niya ang kaniyang buong team gayundin ang Megastar na si Sharon na dumalo rin para magbigay suporta sa kanya.

(RF)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top