Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bida noon sa Lihim ng Kalapati Isadora, tatlong indie movies ang pinagkakaabalahan
Bida noon sa Lihim ng Kalapati  Isadora, tatlong indie movies ang pinagkakaabalahan

Bida noon sa Lihim ng Kalapati Isadora, tatlong indie movies ang pinagkakaabalahan

Naaalala pa ba ninyo si Isadora? Ang sumikat na bold actress noong 90s  sa pelikulang Lihim ng Kalapati? Isa sa blockbuster movies noon ni Mommy Rose Flaminiano sa kanyang active pa noong FLT Films.

Nagkasunod-sunod noon ang proyekto  ni Isadora kaso matagal siyang nagpahinga pero lately lang ay aming naka-chat ang dating sexy actress at busy raw siya sa dalawang indie movies na ginagawa.

Dito sa Tropang Potchi ay makakasama niya sina Gloria Sevilla, Suzette Ranillo at Christian Vasquez. Sina Lara Quigaman, Marco Alcaraz, Isabel Lopez, Rosanna Roces, Aryan Akhtar and Sawera Akhtar sa Sarah N Cedie at parehong si Errol Ropero ang director nila rito.

Parte rin si Isadora sa cast ng Thousand Tears ni Direk Francis Villacorta at inaantay lang niya kung kailan siya mag-uumpisang mag-shooting.

Pinangakuan rin siya ni Direk Toto Natividad na isasama siya sa isang teleserye na gagawin ng kaibigang director sa GMA.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top