Thursday , June 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Serbisyong Calixto sa Pasay

Serbisyong Calixto sa Pasay

PINANGUNAHAN nina Mayor Antonino “Tony” Calixto at Rep. Emi Calixto-Rubiano ang pagpapasinaya sa pina­kabagong medical equip­ment ng Pasay City General Hospital (PCGH) nitong Huwebes (April 11).

Ang bagong Mag­netic Resonance Imaging (MRI) na pinasinayaan ay isa lamang sa mga maipag­mamalaking proyekto na naisa­katuparan sa ilalim ng masinop na adminis­trasyon ni Mayor Tony Calixto sa Pasay.

Malaking pakinabang ang bagong MRI sa PCGH, lalo sa mahihirap at kapos-palad na residente ng lungsod na walang kakayahang magbayad sa mga pribadong ospital.

Ang MRI ay inangkat ng tanggapan ng alkalde mula sa pondo ng local government unit (LGU).

Naipatupad ang overall improvement sa PCGH sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng naka­babatang kapatid ng alkalde – si Emi Calixto-Rubiano – sa loob ng kanyang tatlong termino bilang lone district representative ng Pasay.

Alam ng mga Pasayeño na si Calixto-Rubiano, susunod na alkalde ng Pasay, ang responsable sa pagkakaroon ng 10 dialysis machine na matagal nang pinakikinabangan ng mga pasyente sa PCHG.

Galing din kay Calixto-Rubiano ang ginamit na pondo sa improvement ng emergency room, bukod pa sa mga respirator, stretcher, nebulizer at mahahalagang aparatus ng PCGH.

Ang improvement ng PCGH ay patunay ng pagpapahalaga ng magkapatid na Calixto para pagsilbihan ang kanilang constituents.

Si kasalukuyan, si Mayor Tony ang tu­matak­bong congressman, habang si Rep. Emi ang kandidatong mayor ng Team Calixto sa Pasay.

Malaking bagay naman ang suporta nina Vice Mayor Boyet Del Rosario, Kon. Ding Santos at Kon. Moti Arceo na katuwang ng mga Calixto sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa at proyekto sa lungsod.

Ituloy ang Serbisyong Calixto sa Pasay!

 

KANDIDATONG MAYOR
NA ISKOLAR NG CASINO
LULONG DIN SA DROGA?

PINAGDUDUDAHAN ng marami ang biglang pangangayayat at pagbagsak ng kalusugan ng isang kumakandidatong alkalde sa isang lungsod sa Metro Manila.

Maging sa social media ay pinag-uusapan ang malaking ipinagbago sa itsura ng tuma­takbong mayor at ang mabilis na pagkahulog ng kanyang katawan.

Wala naman daw nakikitang sintomas na may problema sa kalusugan ang kandidatong mayor kapag kumakampanya para manuyo ng mga botante sa nasabing lungsod.

Pero hinala ng marami, may kakaibang bisyo na kinahuhumalingan ang kumakandidatong alkalde – ang posibleng pagkagumon sa ilegal na droga.

Isang palatandaan daw na kapansin-pansin sa tumatakbong mayor ang pagkabulok ng kanyang mga ngipin na karaniwang sanhi ng pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Dati nang napapabalita ang kandidatong mayor sa pagkalulong sa bisyong pagsusugal at malimit makita sa kung saan-saang casino.

Kaya naman hindi nakapagtatakang isabay niya ang paggamit ng ilegal na droga na noon pa ma’y inuumaga na sa kanyang pagsusugal sa casino.

‘Yan ang dahilan kung bakit ‘cara y cruz,’ ‘color games,’ ‘binggo’ ang paboritong gimik ng tinutukoy nating kandidato para magmukhang tama sa publiko ang kanyang pagkagumon sa masamang bisyo ng pagsusugal.

Kamakailan ay napabalitang itinigil umano ng isang bigating negosyante ang suporta sa damuho matapos mabistong ‘fake’ pala ang mga napalathalang ‘survey’ sa mga pahayagan na siya ang nangunguna sa mga naglalabang kandidato sa tinutukoy na lungsod.

Paalala lang sa mga botante, mas mainam nang piliin at iboto ang nakatatanda kaysa ‘bata’ na lulong naman pala sa pagsusugal at paggamit ng ilegal na droga.

Kilala n’yo na ba kung sino ang iskolar ng casino?

About Percy Lapid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top