Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna
Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisu­long ang pitong kahina-hinalang  Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas ng singil sa koryente.

Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Ma­ka­bayan senatorial candi­date Neri Colmenares at Bayan Muna Repre­sentative Carlos Isagani laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunod-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya.

“Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang nakadudang red and yellow alerts nga­yon upang itulak ang mga planta nila lalo ang Atimonan One sa Quezon. Nakapag­tataka rin talaga at pinalusot ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) at minamadali ng Department of Energy (DOE),”  pahayag ni Colmenares.

Sinabi ni Colmenares, dapat isailalim ng Meralco ang lahat ng 7 PSA’s sa Competitive Selection Process (CSP) at kailangan isumite ang Power Kilowatt Per Hour na napagkasun­duan sa pagitan ng Meralco at ng  sariling mga kompan­ya upang tiyakin na ang presyo ng koryente ay hindi magiging mapang-api sa consumers.

“This is precisely what Meralco should have done as soon as the Ombudsman and thereafter, the House Committee on Good Govern­ment, issued separate adverse findings on the legality of the 7 PSAs. Meralco will have no one else to blame but itself, for inexplicably fighting tooth and nail for its P5.12/kWh tariff, instead of submitting the same to price challenge at a time that power rates being offered no longer go above P3.00/kWh,” paliwa­nag ni Colmenares.

Samantala, ibinunyag ni Zarate na mayroong karag­dagang P/1.80 per kilowatt per hour na papasanin ng consumers sa sandaling ipasa ng Meralco ang gas­tos ng konstruksiyon ng Atimonan One Energy Inc. (Atimonan One).

Nabahala pa ang mamba­batas sa napaulat na P15 bilyong karadagang gastos ng Atimonan One dahil sa interes ng loans at mataas na presyo ng imported equipment ay magdudulot ito ng P1.80 per kwh na magiging sanhi upang lomobo rin ang rate ng power plants na aabot sa P7.46 per kwh na so­brang taas kompara sa iba pang mga manlalaro na nag-aalok ng koryente sa pina­kamababang P2.95 per kwh.

“We once again warn the public that this Atimonan contract, like the six other PSAs that the ERC awarded without bidding to Meralco-controlled companies, used deceptive assumptions to make it appear consumers would enjoy lower power rates. Sad to say, those assumptions belong to the realm of fake news,” paha­yag ni Zarate.

Iginiit ni Zarate, dapat isama ito sa mga ipina­rerepasong agreements ni Pangulong Duterte upang busisiin dahil labis na dehado ang consumers sa naturang  midnight deals.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top