Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating sexy star milyonarya na… Maye Tongco gustong magbalik-showbiz
Dating sexy star milyonarya na… Maye Tongco gustong magbalik-showbiz

Dating sexy star milyonarya na… Maye Tongco gustong magbalik-showbiz

NAKA-CHAT namin recently ang isa sa may pinakamagandang mukhang sexy star noong early 2000 na si Maye Tongco na nakilala sa ilang pinagbidahang pelikula.

Married na si Maye sa isang non-showbiz guy na may magandang trabaho sa Amerika at ma­sa­ya ang aktres. Bukod sa mahal siya ng kan­yang husband ay very supportive pa sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa pagbabalik-showbiz ni Maye, may malaking pasabog siya na kanyang isisiwalat sa programa ni Raffy Tulfo na “Isumbong Mo Kay Tulfo” sa TV5 at sa April 17 ang schedule ng kanyang guesting.

One week nang nasa Manila si Maye at naka-check in siya ngayon sa sikat na Sofitel Hotel sa Roxas Boulevard at nakipag-chikahan na rin siya sa ilang ka-close na entertainment press. Isa kami sa sumuporta sa career ng nasabing sexy star na noon pa man ay mabait na at maru­nong magpa­salamat sa mga taong tumutulong sa kanya.

At dahil maganda pa rin ay puwedeng puwedeng isabak sa teleserye ng ABS-CBN o GMA si Maye.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top