Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul
Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul

Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul

MAUUDLOT ang nakatak­dang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act.

“Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di ba. Lahat ng schedule niya subject to change without prior notice,” dagdag ni Panelo.

Ilang buwan nang naanta­la ang pag-aproba sa 2019 national budget dahil sa iringan ng Senado at Mababang Kapulungan.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

 

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top