Saturday , April 20 2024

Stranded nina Arjo Atayde at Jessy Mendiola, showing na ngayon!

POSITIBO ang naging reaction ng moviegoers sa pelikulang  Stranded ng Regal Entertain­ment, Inc., na tinatampukan nina Arjo Atayde at Jessy Men­diola. Sa pang­ka­lahatan, na­ging mata­gum­pay ang ginanap na premiere night nito sa SM Megamall last Monday. Showing na ang pelikula ngayong araw (April 10).

Bukod sa dalawang bida ng pelikula, present sa event ang director ng pelikula na si Ice Idanan, Mother Lily Monteverde, Roselle Montever­de, Gretchen Ho, Mich Liggayu, Jerome Ponce, Direk Reyes, Luis Manzano na very supportive sa GF niyang si Jessy, at ang equally supportive parents ni Arjo na sina Ms. Sylvia Sanchez and Art Atayde, at iba pa.

Sa pelikula, na-stranded sina Spencer (Arjo) at Julia (Jessy) sa building na pinagtatrabahuan ng huli nang abutan sila ng signal no. 4 na bagyo. Ang isang gabing pagsasama nila ay magiging sanhi upang magbago ang takbo ng kanilang buhay, pati na rin ang kanilang respective na pananaw sa buhay.

Naghatid ng kilig sa viewers sina Arjo at Jessy sa pelikulang ito dahil sa kakaibang treatment sa RomCom.

Nagpasalamat naman sina Arjo at Jessy sa mga nagpunta sa kanilang premiere night.

Wika ni Arjo, “Maraming-maraming salamat sa pagsama n’yo sa amin tonight, hopefully you will help us spread the word, Stranded… isang kakaibang pelikula, I guarantee you.”

Pahayag naman ni Jessy, “Sana po buhayin natin ang industriya natin, sana po suportahan natin ang pelikulang Pinoy, sana po suportahan natin ang sariling atin. So, showing na po tayo sa Wednesday… so, please guys support us. Thank you so much for being here tonight, sabay-sabay tayong mag-enjoy sa Stranded.”

Ang Stranded ay Graded B ng Cinema Evaluation Board at Rated PG ng MTRCB.

Tampok din dito sina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at iba pa.

Ito ang first movie ni Gretchen Ho and Direk Ice’s second feature film na ang unang feature film na Sakaling Hindi Makarating (The Amazing Journey of the Letters), ay naging finalist sa Cine Filipino Independent Film Festival noong 2016. Dito’y nanalo ng 7 awards out of 10 nominations ang kanyang pelikula, kasama ang Best Director, Best Cinematography, at 1st runner-up for Best Picture.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *