Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte
Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte

Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte

IPINAALALA ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matata­pang na Filipino at Ameri­kanong sundalo na nagtu­lungan upang ipagtang­gol ang kalayaan at de­mo­krasya ng bansa ha­bang nagbabantay sa ma­susukal na kagubatan ng Bataan.

Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibil­yan na tumulong sa ating mga kawal upang mata­lo natin ang mga kalaban.

Hindi man aniya matan­daan kung sino-sino ang mga nanguna sa labang ito, habambuhay aniyang maaalala at kiki­lalanin ng ating mga kap­wa Pinoy ang kanilang  tibay ng loob.

Umaasa ang Pangulo na lahat ng Filipino ay ma­ging inspirado at manatiling matatag tulad ng ating mga ninuno at kanilang mga kaalyado sa pagtaguyod sa ating sobe­ranya at sa pagbibi­gay proteksyon sa ating mga karapatan at kala­yaan na hanggang nga­yon ay patuloy natin tinatamasa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top