Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice Ganda, binabash dahil kay Ion
Vice Ganda, binabash dahil kay Ion

Vice Ganda, binabash dahil kay Ion

WALA namang masama kung may minamahal ngayon si Vice Ganda at minamahal naman siya in return. Ito ay base sa usap-usapang may namamagitan na umano sa kanila ni Ion Perez o kilala bilang Kuya Escort sa noontime show ng ABS-CBN, It’s Showtime. Mas tumindi pa ang espekulasyong may relasyon ang dalawa dahil sa Gandang Gabi Vice episode noong March 31.

But the sad part of it, kabi-kabila ang tinatanggap na negative feedback ni Vice dahil hindi tanggap ang relasyon na mayroon sila.

Aniya, may mga nababasa siyang komento na ikinalulungkot niya, hindi lang para sa kanya kundi sa maraming tao.

“Hopefully, masaya lang ang lahat para sa isa’t isa. Yeah, pero ganoon talaga ang life.

“Actually, I feel bad for us, but mas nalulungkot ako para sa kanila, sa hate, at sa mga bagay na hindi nila naiintindihan,” pa-emote nito.

Well, ang tanging masasabi namin ay wala namang nagbabawal sa kanya kung magmahal siya pero ang hindi lang namin matiyak ay kung mahal naman siya ng taong minamahal niya.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top