Sunday , May 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Komedyante, ‘di na kumikita ang pelikula
Komedyante, ‘di na kumikita ang pelikula

Komedyante, ‘di na kumikita ang pelikula

AWANG-AWA kami sa isang medyo laos nang komedyante. Noong araw, lahat ng pelikula niyan kahit na walang kuwenta, kumikita. Ngayon kahit na sinasabing may kuwenta na ang pelikula niya, walang nanonood. Iyan ang masasabing biktima ng over exposure.

Noong panahon ng kasikatan niya, sige siya nang gawa ng gawa ng kung ano-ano. Hindi niya inisip na pagsasawaan siya ng mga tao at isang araw, wala nang manonood sa kanya. Naawa kami nang may mag-post pa ng picture ng loob ng sinehan sa isang block screening. Block screening na nga wala pa ring tao.

Talagang alam mo na ginagawa lamang nila para huwag silang i-pull out ng sinehan. Marami na kasi silang sinehang isinara, siguro gusto naman nilang may matira kahit na isa. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top