Categories: Showbiz

Alex, may nakatatawang pakiusap sa Dos — ‘wag munang kunin sa Darna

Share

MULING tinanggihan ni Angel Locsin na gumawa ng pelikulang Darna. Bukod sa kanyang problema sa spinal column, sinabi na rin naman ni Angel na sa palagay niya tapos na para sa kanya ang gumanap ng mga super hero roles. Huwag na ninyo siyang kulitin.

May mga nangungulit nga kasi kay Angel, dahil sa TV gumagawa na siya ng action. Baka naman sakaling magagawa na niya iyong Darna. Eh kaso ayaw na nga niya.

Pero talagang tawang-tawa kami roon sa post niyong si Alex Gonzaga, na makikiusap siya sa ABS-CBN na huwag muna siyang kukuning Darna. As if kukunin siya. Sa lahat ng joke na narinig namin kay Alex, diyan lang kami natawa nang husto.

Si Lea Salonga naman, kahit na noong araw, hindi iyan nag-ambisyon na maging Darna, pero ang sinasabi niya palagay niya mas maganda kung ang role ay maibibigay sa isang baguhan. Sinabi rin niya na sana mukhang Pinay naman ang makuha, hindi iyong mga Tisay na mukhang Kano. Tutal, madadala naman ng popularidad ng character at ng kuwento kung sino man ang baguhang kukunin nila para sa role. Ang punto ni Lea, huwag na iyang mga dating beauty title holder na nag-aambisyon pa. Huwag na rin iyong mga gustong makakawala sa isang love team ang kunin nila. Humanap na ng bagong talent, may na-build up pa.

Pero kagaya nga ng nasabi na namin, kung kami lang ang tatanungin walang ibang makagagawa ng Darna sa ngayon, walang babagay maliban nga kina Angel at Liza Soberano, pero pareho na ngang hindi puwede.

Baka naman kunin na lang nila si Ate Gay, na nag-post pa sa social media na naka-costume na siya ng Darna at tumatakbo sa kalye.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Ed de Leon

Published by
Ed de Leon

Recent Posts

Ken at Rita, muling magsasama sa isang teleserye

MAY upcoming GMA primetime series na pala ang trending loveteam na RitKen o ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan na sumikat bilang BobRey sa hit teleseryeng My Special… Read More

3 hours ago

Osang, ‘mabenta’ sa Pista ng Pelikulang Pilipino

ANG tarush ni Rosanna Roces dahil kung hindi niya tinanggihan si Sue Ramirez bilang anak niya sa The Cuddle Weather,… Read More

3 hours ago

Boy 2 at Neil, abala sa limang pelikulang ipo-prodyus

SA huling panayam namin kay Neil Arce sa ginanap na #PPPGrandLaunch2019 ay inamin nitong marami silang pelikulang naka-line up ni… Read More

3 hours ago

Gilas, lalong nagpalakas… Clarkson isinali sa pool

WALA mang kasigu­rado­han sa ngayon, sumugal pa rin ang Gilas Pilipinas nang isali sa pinakabago at pinalaking training pool ang… Read More

3 hours ago

Manila Zoo hindi namin ibebenta — Mayor Isko

BUKOD sa pagpunta sa Rizal Park, o Luneta, ang pinakamurang paraan ng pamamasyal at mapalapit sa kalikasan ay pagdalaw sa… Read More

3 hours ago

Misquoted lang… Manang Cristy Fermin at bashers ni Luis Manzano parehong epal

NAPAKATALINGHARAP talaga ni Manang Cristy Fermin na close pa naman kay Congw. Vilma Santos pero kung tirahin ang anak ni… Read More

3 hours ago