Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, nagpapapayat para kay Kathryn
Alden, nagpapapayat para kay Kathryn

Alden, nagpapapayat para kay Kathryn

SA totoo lang, magaan ang dating ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards. Siguro dahil ‘di kami masyadong sold out sa KathNiel.

Kung natuwa si Alden sa positibong komento ng netizens sa pagtatambal nila ni Kathryn, hindi rin siya makapaniwala na makakatambal niya si Kath.

Inamin nitong ikinagulat niya ito dagdag pa na pumayag si Kath na  tumambal sa kanya.

Aniya, he’s looking forward na makatrabaho ang aktres at malaking karangalan ito sa kanya.

Nagpapa­payat siya ngayon at nag-aaral ng Cantonese bilang paghahanda sa shooting nila ngayong Abril sa HongKong. Umabot na sa 168 pounds ang kanyang timbang mula sa 179 pounds sa loob ng dalawang linggo lamang. Ang tsika, 160 pounds ang kanyang goal.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top