Thursday , June 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Yassi Pressman swak sa Ang Probinsyano Party-list youth arm

Yassi Pressman swak sa Ang Probinsyano Party-list youth arm

PASOK na sa kalulunsad na Ang Probinsyano Party-List Youth Arm si award-winning actress Yassi Pressman kaya naman todo ang suporta ng Kapamilya star sa adhikain ng grupo.

Inilunsad kamakailan sa Legazpi City, Albay ang Youth Arm ng Ang Probinsyano Party-List upang hikayatin ang mga kabataang lider na makilahok sa mahahalagang isyu sa bansa lalo sa mga usaping pangkabataan.

Kabilang sa mga programang tinututukan ng Ang Probinsyano Party-List ang pagkakaroon ng open high schools, mas malawak na access sa tertiary education subsidy, at maayos na pagpapatupad ng National Student Loan Program.

Ipinahayag ni Pressman ang suporta sa Ang Probinsyano Party-List katuwang ng paghahayag din ng suporta ng kanyang katambal sa telebisyon na si Coco Martin.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top