Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Miss Earth Philippines, nakiisa sa pasinaya ng Bioessence SM Pampanga
Miss Earth Philippines, nakiisa sa pasinaya ng Bioessence SM Pampanga

Miss Earth Philippines, nakiisa sa pasinaya ng Bioessence SM Pampanga

MATAGUMPAY ang isinagawang pasinaya ng ika-30 branch ng Bioessence sa SM City Pampanga kamakailan na pinangunahan ng may-ari nitong si Dr. Emma Beleno-Guerrero, kasama ang mga franchisee na sina Irene at Angel Garcia. Nakiisa rin sa blessings ng clinic sina 2018 Miss Earth Philippines-Fire Jean De Jesus at 2017 Miss Earth Philippines- Fire Nellza Bautista.

Dalawampu’t apat na taon nang nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo ang skin and body wellness center ni Dr. Emma na lumago na sa 30 branches nationwide at patuloy pang nadaragdagan.

Nakapagbibigay din ng napakaraming trabaho sa mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Bioessence. Paano nga ba nagsimula ang Bioessence?

“It’s my fashion in the business of skin care because I’m a Dermatologist. And then managing people, I love managing people, I love people. And if you want to know the secret of Bioessence you just love your people, make them happy and deliver quality service. Then you will have a lot of clients and they will be loyal clients for 24 years and more.

At ang specialization ng Bioessence ay ang skin care. Ani Doc Guerrero, “It started in Davao and I was being the doctor there, basically our facials. Sometimes nga the other would tell us, have you met the queen of facials? Because everybody love our facials.”

Labinlima sa 30 branches ang franchise. At ang kabubukas na Bioessence sa SM Pampanga ay may state of the art facilities, treatments, at machines ng latest technology. Mayroon din itong highly professional, well trained staff para matiyak na ang bawat papasok na kliyente sa clinic ay masa-satisfy at maaalagaang mabuti.

Scientifically proven ang mga ginagamit ng Bioessence sa skin wellness at body wellness na nag-o-offer ng wide range of products mula sa beauty hanggang relaxation—skin cleansers, serum, soaps aromatherapy, at iba pa, para makuha ang Bioessence’s total wellness treatments na hindi lang experience subalit isa ring lifestyle.

Iginiit pa ni Dr. Emma na pinagtitibay nila ang kanilang philosophy na Caring Beyond Beauty.

Matatagpuan ang bagong branch ng Bioessence sa 2nd level ng SM City Pampanga. For inquiries, call lang kayo sa 0930-4260700 o 0967-6910556.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top