Thursday , June 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gary V, nalungkot kay Jim Paredes; Balik-concert sa Amerika
Gary V, nalungkot kay Jim Paredes; Balik-concert sa Amerika

Gary V, nalungkot kay Jim Paredes; Balik-concert sa Amerika

AS an OPM singer, malungkot ako sa nangyari sa kanya (Jim Paredes), but kung walang mga katulad ko ngayon na to tell him I’m still here for you, and your family, sino pa? Ito ang nasabi ni Gary V. kahapon sa presscon ng kanyang He’s Back: Gary V US Tour nang hingan ng komento ukol sa nangyari kay Jim Paredes.

“Kung ‘yun ay mangyari sa akin, I would love to even have just one person to be able to come up with me and say, ‘you know what, let’s go through this together.’ I don’t know kung paano siya makaka-recover dito, but those are the things na hard realizations. But I know that, with me kasi, if God given me chances before, I will do the same for somebody like Jim Paredes, who touch many lives with his songs.”

Tulad ni Gary na binigyan ng ikalawang pagkakataon ng Panginoon matapos mapagtagumpayan ang kanyang open heart surgery at malabanan ang kidney cancer, naniniwala ang magaling na singer dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon ang sinuman.

Samantala, nagbabalik si Gary sa international concert scene sa pamamagitan nga ng He’s Back: Gary V US Tour  na magaganap ngayong Abril bilang pagdiriwang din ng kanyang ika-35 anibersaryo.

Kasama ni Gary ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at ang mga espesyal na panauhing sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde.

Nasa tiptop condition na muli si Gary at opisyal nang binigyan ng mga doktor ng clean bill of health, kaya naman handang-handa na siya sa kanyang series of concert sa Amerika.

Sa totoo lang, para ngang hindi siya naoperahan at nagkasakit dahil sa ipinatikim niyang kanta at sayaw sa presscon, talaga namang 100 percent na he’s in good condition. Na iyon din naman ang nasabi ni Gary, na malakas na malakas na siya. Patunay nga ang galing na naman niyang pagsayaw.

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga show sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

“I’m very excited to go back to the US and perform for everyone there,” sabi ng isang maligayang Gary V. “Kasama ko ang dalawang very talented young divas – na sina Jona at Katrina, and I’m hoping that the people in the States will have fun and fall in love with the show that we have prepared for them.”

Todo hataw din si Gary sa TV, social media, at recording sa kanyang mga proyekto rito sa Pilipinas.

Regular na napapanood si Gary ASAP Natin ‘To na nagpe-perform siya kasama ang mga kapwa OPM Icons at ilan sa mga pinakamaiinit na batang artists ngayon. Dalawang beses sa isang linggo rin siyang nasa It’s Showtime  bilang  Punong Hurado ng top-rating segment nito na Tawag Ng Tanghalan. Sa weekends naman, isa si Gary sa mga hurado ng World Of Dance (WOD) kasama sina Maja Salvador at Billy Crawford. Host nito sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach.

Sa social media naman, with a collective following of almost 5 million sa Twitter, Instagram, Facebook, at YouTube, nagpapasampol ng mga precious footage si Gary ng kanyang mga iconic at legendary performances na halaw sa kanyang mga nakaraang sold-out at critically acclaimed concerts at ang mga ito ay paboritong trending topic ng mga netizen, mula sa kanyang ‘di malilimutang Shout For Joy performance sa kanyang 1992-93 four-night concert na Shout sa Araneta Coliseum hanggang sa Get Down mula sa kanyang two-night concert na Radical noong 2000 hanggang sa Sa Yahweh Ang Sayaw mula sa Arise 3.0 noong 2014 at 2015 hanggang sa Babalik Ka Rin mula sa kanyang four-night concert na Move noong 1994 hanggang 95 hanggang sa iconic medley ng kanyang mga kumposisyon na Wag Mo Na Sanang IsipinMahal Na Mahal Ko Siya, at Di Bale Na Lang na mula rin sa concert series na Shout

Sa recording naman, patuloy si Gary sa pag-promote ng kanyang advocacy album na Awit At Laro, na pinagsama-sama ang humigit sa 100 local na musical at visual artists para i-promote ang mga homegrown Filipino children’s games at songs sa pakikipagtulungan ng UNICEF, Tukod Foundation, Museo Pambata, at Shining Light Foundation. Ilan sa mga artist na bahagi ng proyektong ito sina Lea Salonga, Ogie Alcasid, Gab and Kiana Valenciano, Billy Crawford, Bamboo, Jonathan Manalo, Yeng Constantino, Morissette Amon, Jona, KZ Tandingan, Darren Espanto, Anne Curtis, Sam Concepcion, Jungee Marcelo, Ebe Dancel, the TNT Boys, Marcus Davis Jr, Chris Lopez, Thyro, Noel Cabangon, Gloc 9, Julie Ann San Jose, Lara Maigue, Katrina Velarde, Mel Villena, at Ryan Cayabyab—at lahat sila ay ibinigay ang kanilang royalties para sa cause na ito. Nag-record din si Gary ng dalawang bagong awitin, ang  Saranggola at Bawa’t Isa Sa Atin para sa proyektong ito.

Naglilibot din si Gary sa 35 eskuwelahan sa Luzon upang markahan ang kanyang anibersaryo sa isang seryeng pinamagatang Face2Face na nagbibigay siya ng libreng inspirational talks at intimate mini-concert sa mga graduating college students. “I wish to impart something inspiring and positive to the students who are about to enter a new chapter in their lives matapos silang grumadweyt sa college,” ani Gary na ibinabahagi ang kanyang karera noong dekada 80 na naiimbitahan para mag-perform sa mga school event at university fair.

At bago siya lumipad patungong Amerika, bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya, sa mga pinagdaanang krisis, bibisita si Gary sa Ayala Trinoma para sa isang fans day sa ABS-CBN Studio Experience sa Abril 5, 3:00-6:00 p.m..

Ang He’s Back: Gary V US Tour ay joint production ng Manila Genesis at Starmedia Entertainment sa pakikipagtulungan sa TFC at ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top