Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Female toilets sa NAIA terminal 1 ‘very uncomfortable’ sa kababaihan dahil halos walang privacy
Female toilets sa NAIA terminal 1 ‘very uncomfortable’ sa kababaihan dahil halos walang privacy

Female toilets sa NAIA terminal 1 ‘very uncomfortable’ sa kababaihan dahil halos walang privacy

MARAMING natuwa dahil natapos na rin ang renovation ng comfort rooms malapit sa carousel/conveyor ng mga bagahe sa arrival area Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa wakas, hindi na dehado ang ating paliparan sa terminal 1.

Pero,  nagulat tayo nang isang araw ay makita natin na may pila ng mga kababaihan sa loob ng cubicle  ng nasabing female comfort room.

Aba, wala man lang cover ang mga cubicle (maliban sa pinto nito).

Parang estilong makaraos lang at hindi talaga magiging comfort sa kababaihan na alam n’yo namang magsusuklay, maglilinis ng mukha o kaya magto-toothbrush sa harap ng salamin dahil kitang-kita sila ng mga dumaraang mga tao sa labas.

Sa totoo lang, sinadya po nating puntahan ang nasabing area ng comfort rooms kasi nga may mga natatanggap tayong feedbacks.

At napatunayan nga natin ang feedback na nakarating sa atin.

Sino kayang henyong arkitekto ang nag­disenyo ng nasabing women’s comfort rooms at hindi man lang ikinonsidera ang pangangailagan ng mga kababaihan.

Aba, kapag nakita ninyo, mas may privacy pa ang male CRs.

Gusto ko na lang isipin na hindi pa tapos ang paggawa sa CRs baka sa susunod na punta natin sa Terminal 1 ay magkaroon na ng kahit kaunting cover ang female CRs.

‘Di ba Sir Ed?! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top