Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sino ang financier ni Isko Moreno?!
Sino ang financier ni Isko Moreno?!

Sino ang financier ni Isko Moreno?!

MARAMI umano ang nagugulat na empleyado sa Manila City hall dahil sa ‘haba ng pisi’ ng kampanya ni Isko Moreno.

Sabi ng mga taga-city hall, isang taon nang walang gatol sa pag-iikot si Isko Moreno sa Kamaynilaan pero mukhang hindi pa rin nauubusan ng panggasta at todo-gastos sa kanyang pangangampanya.

At hindi lang simpleng gastos, napakagalante umanong magpa­mudmod.

Maging ang kanyang tandem sa  pagka-vice mayor na si Honey Lacuna – Pangan ay maugong sa apat na distrito. Sabi pa, ang ipinagma­mala­king lakas ni Amado Bagatsing ay sa Distrito 4-5 lang?!

At ‘yan umano ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng tandem na Isko at Honey.

Ang ipinagmamalaki umanong financier ni Isko ay isang Razon?!

Sino kayang Razon?! Ang negosyante kayang si Razon?!

May nagsasabi rin na Leonardo na kasosyo ng isang Nel sa ‘waste business.’

Mukhang malapit na malapit at bilib na bilib umano ang kasosyong si Nel kay Isko kaya todo buhos din umano ang grasya sa kampanya.

Hmmnnn…

May kasabihan, kung nasaan ang asukal, dinudumog ng langgam.

‘Yan ang aabangan natin sa mga susunod na araw.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top