Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM, itinutukso kay Ria; mother-in-law, tawag kay Ibyang
JM, itinutukso kay Ria; mother-in-law, tawag kay Ibyang

JM, itinutukso kay Ria; mother-in-law, tawag kay Ibyang

MADALAS naming nakikitang magkasama sina JM de Guzman at Ria Atayde pero ang alam namin ay magkaibigan lang sila dahil close ang aktor sa nanay ng aktres na si Sylvia Sanchez bago pa sila mag-taping ng seryeng Project Kapalaran mula sa RSB Unit.

Wala kaming idea kung may ligawang nangyayari dahil nga barkada ang dalawa hanggang sa tinutukso na ni Arci Munoz ang leading man niya sa pelikulang Last Fool Show na mapapanood na sa Abril 10 mula sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr..

Maraming nagulat sa mediacon ng LFS dahil bakit nasasama ang pangalan ni Ria sa event.

Sabi kasi ni Arci na ang kailangan ni JM ay mga kaibigang tulad niya at ni Ria na ang ganda ng ngiti ng aktres na tila may ibig ipahiwatig.

Biglang tinititigan ni JM si Arci, “Ako, ako nga kasi si Ria, ako nagsasabi,” mabilis na sagot naman ng dalaga.

Hirit ng aktor, “Next question.”

At mukhang naninirya si Arci dahil walang kaabog-abog na sinabing, “I love her (Ria), isa sa pinaka-thoughtful, pinaka-understanding, pinakamagaling na mag-advise na tao po ‘yun.”

Um-oo na lang si JM para matapos na.

May nagtanong kung sina JM at Ria na, “Hindi po, hindi po. Kami po (ni Ria), kami,” sabi kaagad ni Arci.

Biglang hirit ng aktor, “Bakit tayo napunta roon, Arci Muñoz?” sabi pa, “Tita Ibyang, patay na naman ako nito sa ‘yo.”

Hindi totoo ‘yung mga tsis­mis. Hindi totoo ‘yun. Close friends tayong lahat, hindi totoo ‘yung mga tsismis,” birong sabi ni Arci.

Bakit mother-in-law ni JM ang tawag ni Arci kay Ibyang.

Na-attach kay Ria, positive na tao

Anyway, tinext namin si Ria kung bakit siya nali-link kay JM pagkatapos ng mediacon pero hindi kami sinagot dahil walang signal sa Punta Fuego na nag-unwind ang dalaga kasama ang ibang celebrity friends.

Pagkatapos ng mediacon ay kaagad tinanong si JM kung ano ang relasyon nila ni Ria at bakit siya tinutukso ni Arci.

Hindi, kasi nakilala ko si Ria sa isang small circle rin namin sa showbiz. Sobra akong ano, eh. Hindi ko alam, parang ang bait-bait niya. Ugali niya, napaka-genuine, napaka-sincere na tao.

Parang naa-attached lang ako sa mga taong ganoon, mga positive na tao that will pull you up and she’s that type of person. Hindi siya showbiz.

Sa ngayon, we’re really good friends. Hindi pa ganoon katagal ‘yung friendship namin pero ‘yung investment namin doon sa friendship namin, we’re really investing doon sa friendship.

Kasi, I would like to keep her. Kung anuman ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever,” saad ng aktor.

May plano ba siyang ligawan si Ria.

Hindi ko pa alam. Ang focus ko, career, siyempre. Ayokong kapalan masyado ‘yung mukha ko na pagsabay-sabayin na naman lahat. Parang ito muna. May ibinigay sa akin si Lord na opportunity or challenge,” sagot ng aktor.

Pagtrato sa mga adik, ‘wag masaklap

Samantala, natanong si JM kung ano ang reaksiyon nila sa sinabi ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na may hawak silang listahan ng mga artistang user at pusher sa ipinagbabawal na gamot.

Biglang nag-seryoso si JM sa pakiusap niya sa PDEA, “Para po sa akin, that’s a very smart move ng PDEA kasi po kami sa industriya we also have social responsibility to set an example pero ang hinihingi ko lang po sa PDEA…tatlong taon po ako sa loob ng rehab, araw-araw kasama ko mga addict, pusher.

At hindi lang po sila addict or nag-take ng drugs whatsoever, may mga pinagdaanan din po sila na obviously hindi nila kinaya and they chose a different path to patch it up and to move on to fight.

“’Wag lang po sanang masyadong masaklap ‘yung pagtrato sa kanila kasi umabot na sa point na pinapatay na nga (Oplan Tokhang), wala po tayong death penalty pero they could be killed and I don’t believe on that shit!

“Ako, I’m in this position ngayon na maging example na hindi lang kami hanggang doon and kung ano po ‘yung makatutulong na ginagawa ng PDEA, eh, all out support po ako 100% and willing to submit my pee (urine test) anytime, anywhere.”

Anyway, kasama rin sa Last Fool Show sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, VJ Mendoza, Chamyto Aguedan, Kris Janson, Victor Silayan, Erin Ocampo, Pat Sugui, Cholo Barretto, Josef Elizalde, Menggie Cobbarubias, Arlene Muhlach, Bibeth Orteza, at Gina Alajar produced ng Star Cinema, N2 Productions at Emba mula sa direksiyon ni Eduardo Roy JR..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top