Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Indi Diva Bakclash Echo, itinanghal na grand winner sa Bakclash Grand Showdown (Waging-wagi sa P.3-M)
Indi Diva Bakclash Echo, itinanghal na grand winner sa Bakclash Grand Showdown (Waging-wagi sa P.3-M)

Indi Diva Bakclash Echo, itinanghal na grand winner sa Bakclash Grand Showdown (Waging-wagi sa P.3-M)

Lahat ng judges sa BakClash Grand Showdown last Saturday sa Eat Bulaga na kinabibilangan nina Danny Tan, Renz Verano, Arnel Pineda, Jessa Saragoza, Mark Bautista, at Audie Gemora ay hilo at nahirapan sa kanilang pagpili sa 6 Bakclash finalists na sina Bouncer Diva Yvonna, Hyper Diva Annie, Krak Krak Diva Janel, Whistle Diva Stephy, Sleeping Diva EJ Salamante at ang Indi Diva Bakclash Echo, na siyang napili ng celebrity judges para maging kauna-unahang BakClash Grand winner.

Tumataginting na P300,000 ang iniuwing premyo ni Echo o Jerricho Calingal sa score na 94.88% at .30% lang ang lamang sa mahigpit na kalabang si EJ. Napakaganda ng performance ng bawat isa, nagkatalo lang at sobrang galing ni Echo sa kanyang mga number kabi­lang ang nakaaaliw ni­yang pagkanta ng Penpen de Serapin sa Bakclash Song Challenge.

At sa so­brang hanga ni Arnel Pineda sa singing talent ng Bakclash Final 6 ay nag-comment ng pasa­salamat niya sa Eat Bula­ga at binigyan ng programa ng exposure ang nasa­bing fina­lists na may kara­patang i-show­case ang kanilang mga talent sa tele­bisyon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

One comment

  1. How can you sure na si EJ yung second place, wala naman sinabi at inilabas na ranking yung show eh. T

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top