Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kulong sa marijuana
2 kulong sa marijuana

2 kulong sa marijuana

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak matapos maaresto ng mga pulis sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Enerlie Zaraga alyas Ener, 23 anyos, pusher, data analyst ng Blk 45 Lot 42 Dagat-Dagatan, at Ronald Gallardo, 23 anyos, ng Block 40G Lot 20, kapwa ng Brgy. Longos.

Base sa imbestigasyon ni PSSgt. Ramos Timmago, dakong 11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni PLt. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra kay Zaraga sa Maya-Maya St., Brgy. Longos m­atapos ang na­tanggap na impor­masyon ng pulisya hinggil sa pagbe­benta uma­no ng ilegal na droga sa lungsod.

Nagawang makapagtransaksiyon kay Zaraga ng isang pack ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P500 ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Nang magkaabutan, agad sumalakay ang iba pang nakaantabay na mga operatiba at sinunggaban ang suspek kasama si Gallardo na sinasabing umiiskor ng droga kay Zaraga.

Nakompiska sa mga suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang gray sling bag at buy-bust money. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top