Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pinay sa Kazakhstan tutulungan ng Embassy
Pinay sa Kazakhstan tutulungan ng Embassy

Pinay sa Kazakhstan tutulungan ng Embassy

TUTULUNGAN ng  Department of Foreign Affairs (DFA)  sa pama­ma­gitan ng embahada ng Filipinas sa Moscow ang isang sugatang Pinay na nakasama sa multiple-vehicle collision sa Kazakhs­tan, na ikinasawi ng dalawa katao at pag­ka­sugat ng 27 pa.

Kinasasangkutan ng tatlong bus, dalawang passengers car at isang ambulansiya ang insiden­te ng kolisyon ng mga sasakyan.

Ayon kay Ambassa­dor to Russia Carlos Sorreta, nalaman na ang biktimang  si Jennifer Francisco Lavapiez ay kabilang sa pasaherong nasaktan sa insidente dahil sa impormasyon sa pamamagitan ng post sa Facebook.

Nakipag-ugnayan ang Embahada sa kinau­ukulan at nabatid na nasa stable na kondisyon uma­no ang nasabing Pinay sa hospital sa Astana, na tinutulungan na rin ng kanyang employer.

Sa ngayon, nanatiling naka-monitor ang Philippine Embassy sa nasabing sitwasyon at nakipag-coordinate na rin sila Kazakhstan maging sa bus company para habulin ang suporta at naging pinsala nito sa mga biktima.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top