Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy sa bashers: It’s more of explaining, hindi pagpatol
Jessy sa bashers: It’s more of explaining, hindi pagpatol

Jessy sa bashers: It’s more of explaining, hindi pagpatol

HINDI pagpatol kundi paglilinaw. Ito ang iginiit ni Jessy Mendiola nang makausap siya matapos ang media conference ng Stranded nila ni Arjo Atayde, handog ng Regal Entertainment, Inc., na mapapanood na sa Abril 10 at idinirehe ni Ice Idanan, ukol sa sinasabing pumatol na naman siya sa basher nang sagutin niya ang isyung inagaw niya si Luis Manzano kay Angel Locsin.

“Hindi ko na matandaan iyan kung kailan. Pero if ever mayroon, I feel na ‘pag feeling mo na gusto mo silang i-correct o i-clarify bakit naman hindi puwedeng sumagot?

“Hindi ibig sabihin niyon eh patola, it’s more of explaining. Actually hindi nga explaining eh, it’s more of letting the person know kung ano ‘yung totoo. I don’t see anything wrong with that.

“Parang ganoon na lang po ba tayo? Kapag mayroong nagsasabi sa iyo ng negative hindi ka na lang sasagot para na lang hindi ka sabihan ng patola.

“I feel sad na kapag ganoon ang nangyayari. Kasi mga tao rin lang po kami. If you feel na parang under the belt na ‘yung hirit or crossing the line na, I feel na, call it whatever you want, call it kung patola man o patol o whatever, basta para sa akin I want to get their facts straight.

Sa totoo lang, nag-lie low na nga si Jessy sa pagpatol sa bashers dahil na rin kay Luis.”Insensitive nga si Luis sa bashers eh. I’m just being honest. Hindi kasi siya naaapektuhan ng bashing. Sobrang wala lang sa kanya. Pine-playtime lang niya ang mga bashing at negativity.

“Ayaw niya kasi ng ganoon eh. Kaya kapag may namba-bash sa kanya, ibinabalik lang din niya.  

Aminado naman si Jessy na mas patola sa mga basher ang boyfriend niyang si Luis. ”Pero mas ang ginagawa niya for fun. Mahilig siyang makipagbiruan. If ever man na papatol siya, light lang. ‘Yung mga tao lang baka sineseryoso siya. ‘Wag n’yo pong seryosohin si Luis, joke lang ‘yun.”

May away din at ‘di pagkakaunawaan

Marami na rin namang away o hindi pagkakaunawaan sina Jessy at Luis. Aniya, ”Normal naman ‘yun sa isang relationship na may mga bagay kayong hindi pinagkakasunduan. May mga bagay din kayo na in due time mag-a-agree kayo sa isa’t isa. Normal relationship lang kung ano ang mayroon kami, ganoon din ang nararanasan ng ibang couples.”

At naaayos nila iyon agad dahil pinag-uusapan nila. ”Pagkatapos pag-usapan, mag-a-adjust ang isa’t isa.”

Wala naman silang sawa factor, anang aktres.

Vlogging and Señorita business

Masaya namang ibinalita ni Jessy ang ukol sa bago niyang ginagawa ngayon, ang pag-vlog at ang business niyang Señorita.

“Ngayon mayroon akong bagong business and at the same time mas nae-explore ko ang two world. Nagba-vlogging na rin ako kasi mas wide ang range niya kaysa nali-limit sa TV kasi may limitations sa TV and movies.

“Pero ‘pag vlogging, anything goes eh. Kung ano ang gusto mong pag-usapan, kung ano ang gusto mong i-tackle na content masayang gawin.”

At sa vlogging  gusto niyang i-explore, ang ”marami pong bagay eh. Tulad ng mga sinasabi ng mga nagsu-subscribe sa akin na ‘buti na lang you thought of vlogging kasi hindi ka namin makikilala ng ganito kung hindi mo tinry ito.

“So I guess ‘yun ang nakatutulong sa pag-vlog, mas personal level, mas close sa iyo ang nalalaman ng mga tao.”

Paglipat sa ibang network, ‘di totoo

Samantala, malabong lumipat ng ibang network si Jessy dahil may kontrata pa siya sa ABS-CBN. Bagamat hindi niya sinabi kung hanggang kailan pa.

“Sasabihin ko naman if ever man na oo, it’s just nasa face ako ng life ko na I need to make big decisions right now. And I really feel that 2019 is crucial for my life. Parang crucial siya for decision making, for changes, major changes so I guess for now, personal changes ang ginagawa ko.”

Hindi rin sinasabi ni Jessy na isinasantabi siya ng Kapamilya Network kaya may ginagawa siyang mga bagay-bagay ngayon.

“Lahat naman ng artista may cycle. Marami kami eh,” paglilinaw ng aktres. ”so hindi puwedeng ako at ako lang ang bibigyan. Maraming artista ang ABS-CBN even ‘yung kabilang network. I’m sure tina-try nilang bigyan ang bawat artista ng trabaho. Nagkakataon lang talaga na wala. It’s up to you to explore kung ano ang gagawin mo for yourself and for your career.”

Ukol naman sa kanyang negosyong Señorita. ”First ever business ko ito so talagang kinakabahan ako kung may bibili ba, magugustuhan ba nila. And ‘yun blogging na very personal iyon sa akin.”

 Ang negosyo naman nila ni Luis ay ang Lucky Lulu perfume.

Hindi na stranger sa isa’t isa

Mas napadali naman ang pakikipagtrabaho ni Jessy kay Arjo.

Si Arjo naman alam naman natin na napakagaling na actor. Kapag ganoon po parang nadadala na rin ako. And of course, first time ko ring nakatrabaho si Direk Ice. And I’m happy na nakatrabaho ko siya and hopefully may next project pa kami.

Sa Stranger, ginagampanan ni Jessy ang role ni Julia, isang babaeng planado ang buhay.

“Fifty-fifty ang similarity nito sa buhay ko. Mahilig kasi akong magplano and at the same time mahilig din ako sa mga biglaang bagay. Spontaneous. Hindi naman totally parang ako si Julia, may pagkakahawig pero hindi 100 percent,” esplika ni Jessy sa karakter na ginagampanan niya.

Si Arjo naman si Spencer, makalat na tao at walang direksiyon sa buhay.

Isang romantic movie ang Stranded na nagtatampok din kina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at marami pang iba. Kasama rin dito si Gretchen Ho.

Second feature film naman ang Stranded ni Direk Ice. Ang una niyang pelikula ay angSakaling Hindi Makarating (The Amazing Journey of the Letters), finalist sa Cine Filipino Independent Film Festival noong March 2016, na nagwagi ng pitong award mula sa 10 nominasyon nito kasama na ang Best Director, Best Cinematography at 1st runner up para sa Best Picture. Sa pelikulang ito rin napagwagian ni Direk Ice ang Best Indie Cinematographer noong 2017 sa PMPC Star Awards for Movies.

Noong 2018, kinilala ito bilang International Category Excellence Award sa Asia Tourism-Induced Film and TV Arts week sa Taizhou China.

“One of the challenges of shooting a film that is 80% indoors is to keep the images interesting with proper blocking,” pagbabahagi ni Direk Ice. Ang Stranded ay isinulat nina Easy Ferrer at Jeps Gallon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

3 comments

  1. Hi there to all, the contents existing at this website are
    truly remarkable for people experience, well, keep up the
    good work fellows.

  2. That is very attention-grabbing, You are a very skilled blogger.
    I have joined your feed and look ahead to in the hunt for extra of your magnificent
    post. Also, I have shared your web site in my
    social networks

  3. I pay a visit daily some websites and blogs to read
    articles or reviews, but this blog offers feature based content.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top